Matagal na rin nang huli akong nakapagblog sa pangunahing blog ko. Mahirap magsulat lalo't laging abala sa trabaho, pagbabasa, at ibang advocacies. New year's resolution ko pa naman ang magtaas ng writing output. Kaya there is no better way to do it than to start blogging.
Muli kong naalala ang dahilan sa pagbuo ng blog na ito, ang ipahayag ang ilang pananaw hinggil sa mga usapin sa bayan. Ngunit ang suliranin ay tayo ay hindi informed, misinformed, o misled dahil sa mga maling balita. Ayaw natin sa mga kasinungalingan, mga propaganda, at mga pagpihit sa katotohanan. Ito'y pawang ginagawang mangmang ang sambayanan. Sabi ko nga, mawawala ang kalayaan sa pagsasara ng isipan. Kung maniniwala tayo sa mga kasinungalingan, magsasara ang ating mga isip. Dahil dito, maaaring makagawa tayo ng mga maling desisyon at mga kilos na makakasama sa atin at magpapawala sa ating 'ginhawa'. Walang kalayaan kung sarado ang isipan at magdudulot ito ng kawalan ng katarungan. Hindi ito kailangan ng bayan dahil madalas tayong nababalot nito, ang kadilimang kung saang kailangan nating kumawala.
Hindi dapat paniwalaan ang lahat ng mga nakikita at naririnig dahil maaaring ito'y mga pawang panlilinlang o kalahating katotohanan lang. Ang panganib na ito'y dulot ng mga ipinapakita sa atin ng media at ng mga nasa kapangyarihan. Minamanipula ang mga tao. Tayo ay napapasok sa kadiliman dahil nagagapos ang ating mga isipan. Kaya kailangang liwanagin ang mga talakayan. Iwasto ang mali, ihiwalay ang propaganda, at ayusin ang perspektiba. Palayain ang ating mga isipan at magliwanag sa kadiliman.

No comments:
Post a Comment