Friday, January 25, 2013

Ang Halalan ay Parang Ligawan

Ang Halalan ay parang ligawan. Ang konsepto ng panliligaw sa isang babae ay maihahalintuad din sa pagtakbo sa halalan ng mga pulitiko. Malapit na ang eleksyon at marami nanamang mga kandidato ang manliligaw sa ating mga botante. 

Ang pagtakbo sa eleksyon ay parang panliligaw... (Basahin ang buong post DITO)

The Eagle's Story

-05/16/2012

I have broken free from my shell.
I have grown my wings.
I just leaped away from my nest.
I am flying now.

I'm flying high seeing the world's majesty.
I fly through the storm with the might that's inside.
My wings are as mighty as I want them to be.
I fly as high as I wanted to be.

I see the light beyond the horizon.
I travel the distance beyond my measure.
I chose to fly above the storm.
I fly with the greatness inside me I show.

Ang Kadiliman Bago Sumikat ang Umaga


(Note: Ito'y isang bagong bersyon ng isang tulang dati kong isinulat na sa palagay ko'y maaari pang mapaganda)

Pagtingala sa malawak na kalangitan
Marikit na mga tala ating mamamasdan
Gumagabay sa manlalakbay sa daan
Nagbibigay pag-asa sa may kahilingan.

Sa tuwing tayo'y titingala sa mga tala
Tayo'y nakakakita mga butil ng pag-asa
Na lahat tayo'y may sariling pagbabasa
Gabay sa dilim bago sumikat ang umaga.

ngunit anong kadahilanan sa aki'y pinagkait
Pag-asang masilayang mga bituwing marikit
Mistulang hadlang ngayon sa akin ang langit
Balot ng kadiliman at lamig na kay pait.

Bakit?! Bakit?! aking tinatanto
Langit! Langit! ba't ako ginaganito?
Sinusubukan mo ba ang tibay ng tao?
O ang dapat lang bang sisihin ay ako?

Ramdam ang kalungkutan sa hatinggabi
ako'y natigilan at napaisip nang maigi
Ibinulong ng langit ako'ng tutulong sa sarili
magpatuloy o mahimbing at maglaho sa gabi

Ako'y tumayo't tumuloy sa paglalakbay
nadapa't nasaktan halos mawalan ng malay
pumasok sa isip mas mabuti pang mamatay.
Hinde! magpatuloy! Mahalagang mabuhay!

Pagtingala sa malawak na kalangitan
matapos magdusa nang halos walang katapusan
Sa aking nakita ako'y nabuhayan
Bagong umaga! Tapos na ang kadiliman.

Pagbabalik

Matagal na rin nang huli akong nakapagblog sa pangunahing blog ko. Mahirap magsulat lalo't laging abala sa trabaho, pagbabasa, at ibang advocacies. New year's resolution ko pa naman ang magtaas ng writing output. Kaya there is no better way to do it than to start blogging.

Muli kong naalala ang dahilan sa pagbuo ng blog na ito, ang ipahayag ang ilang pananaw hinggil sa mga usapin sa bayan. Ngunit ang suliranin ay tayo ay hindi informed, misinformed, o misled dahil sa mga maling balita. Ayaw natin sa mga kasinungalingan, mga propaganda, at mga pagpihit sa katotohanan. Ito'y pawang  ginagawang mangmang ang sambayanan. Sabi ko nga, mawawala ang kalayaan sa pagsasara ng isipan. Kung maniniwala tayo sa mga kasinungalingan, magsasara ang ating mga isip. Dahil dito, maaaring makagawa tayo ng mga maling desisyon at mga kilos na makakasama sa atin at magpapawala sa ating 'ginhawa'. Walang kalayaan kung sarado ang isipan at magdudulot ito ng kawalan ng katarungan. Hindi ito kailangan ng bayan dahil madalas tayong nababalot nito, ang kadilimang kung saang kailangan nating kumawala.

Hindi dapat paniwalaan ang lahat ng mga nakikita at naririnig dahil maaaring ito'y mga pawang panlilinlang o kalahating katotohanan lang. Ang panganib na ito'y dulot ng mga ipinapakita sa atin ng media at ng mga nasa kapangyarihan. Minamanipula ang mga tao. Tayo ay napapasok sa kadiliman dahil nagagapos ang ating mga isipan. Kaya kailangang liwanagin ang mga talakayan. Iwasto ang mali, ihiwalay ang propaganda, at ayusin ang perspektiba. Palayain ang ating mga isipan at magliwanag sa kadiliman.