Sino nga ba ang tunay na historian o historyador? Sa aking pananaw, ito ay ilang mga katangian ng isang historian.
- Ang tunay na historyador ay may disiplinang akademiko sa pananaliksik, pagsusulat at pagbabahagi ng nalalaman.
- Ang tunay na historyador ay hindi alam ang lahat tungkol sa kasaysayan at alam niya ito.
- Ang tunay na historyador ay hindi laging tama at alam niya ito.
- Ang tunay na historyador ay hindi ipinipilit ang kanyang pananaw sa pamamagitan ng pagtrash-talk sa ibang historyador.
- Ang tunay na historyador ay marunong irespeto ang opinyon ng kapwa historyador at mga hindi historyador.
- Ang tunay na historyador ay marunong baguhin ang pananaw batay sa mga bagong batis at pag-aaral.
- Ang tunay na historyador ay marunong gumamit ng tuldok sa kanyang mga pangungusap.
- Ang tunay na historyador ay hindi troll sa internet.
- Ang tunay na historyador ay hindi makitid o sarado ang isip sa opinyon at pagaaral ng iba.
- Ang tunay na historyador ay hindi pinagpipilitan ang sarili bilang isang historyador.
P.S.: Hindi ako historian.