Saturday, June 28, 2014

What is Awareness?

What is awareness in terms of promoting causes? Is it basically about knowing the issues? What makes awareness effective in promoting causes like heritage conservation or disaster preparedness?

Awareness is an important or even the first step in promoting any cause. It's a challenge to preserve built heritage if people do not know the story and relevance of a heritage structure. In another sense, it is hard to promote disaster preparedness if people do not know the dangers of hazards and calamities that can happen to them. Most of the time, awareness provides information to address such concern. But is knowing already being aware?

It was a unique experience to for me today to have met Jaymee Leonen, a psychologist by profession and an advocate in the cause of parenting. Talking to her about heritage conservation in Calle Escolta in Manila, the topic of awareness was brought out. I realized that awareness is more than just knowing. Knowing is not enough. Invoking emotions is as important as giving facts and other information to a cause.

Is fear a good motivator for awareness? Fear can immobilize and make one surrender. But Ms. Leonen shared that, if fear is present, one can rise above it and act. Overcoming fear by knowing and acknowledging it and doing what is necessary. In other words, it is being empowered.

In the end, I realized that involving emotions is necessary in promoting awareness. Make the audience feel. It is the role of the advocate to connect the cause emotionally to the audience. Make them relate through stories. And in the end, make them realize that they can do something to help, that they can make a difference. To make others know, concerned and empowered, that is the goal of awareness.

Wednesday, May 21, 2014

Ang Tunay na Historian

Kamakailan, naging usapan ang pagiging isang historian. Tila ba basta-basta na lang nagagamit ang titulong historian. Kung nakabasa ka ng history book, historian ka na ba? Kung nag-share ka ng something about history sa Facebook, historian ka na? Ang historian daw ay nagpapalaganap ng "katotohanan" at ang mga tumataliwas sa "katotohanan" ito ay kaaway na bayan.

Sino nga ba ang tunay na historian o historyador? Sa aking pananaw, ito ay ilang mga katangian ng isang historian.

  1. Ang tunay na historyador ay may disiplinang akademiko sa pananaliksik, pagsusulat at pagbabahagi ng nalalaman.
  2. Ang tunay na historyador ay hindi alam ang lahat tungkol sa kasaysayan at alam niya ito.
  3. Ang tunay na historyador ay hindi laging tama at alam niya ito.
  4. Ang tunay na historyador ay hindi ipinipilit ang kanyang pananaw sa pamamagitan ng pagtrash-talk sa ibang historyador.
  5. Ang tunay na historyador ay marunong irespeto ang opinyon ng kapwa historyador at mga hindi historyador.
  6. Ang tunay na historyador ay marunong baguhin ang pananaw batay sa mga bagong batis at pag-aaral.
  7. Ang tunay na historyador ay marunong gumamit ng tuldok sa kanyang mga pangungusap.
  8. Ang tunay na historyador ay hindi troll sa internet.
  9. Ang tunay na historyador ay hindi makitid o sarado ang isip sa opinyon at pagaaral ng iba.
  10. Ang tunay na historyador ay hindi pinagpipilitan ang sarili bilang isang historyador. 
Hindi basta-basta nakukuha ang titulong historyador o historian. Bunga ito ng mahabang panahon ng pag-aaral, pananaliksik, pagbabahagi ng kaalaman sa "propesyonal" na pamantayan at pamamaraan.

P.S.: Hindi ako historian.

Friday, May 9, 2014

My Good Guy Affirmation

In the movie "Wreck It Ralph", the video game bad guys have a support group because being bad can be really depressing. How about us good guys who try to be good despite all the world still choose to be good? Bad guys seem to have the money and the bad boys seem to always get the girls.

We often see the merits of bad deeds and we are tempted to be envious and even do bad things ourselves. But let's remember that being bad costs us our conscience, our relationships and reputation. We should not be envious to the fruits of bad deeds which are all fleeting.

Being good has its own merits and surely, such merits are the ones that truly last.

Here is an affirmation I made for being a good person.

I am good and that is good.
I may finish last but my relationships will last.
Some may not like me but that's OK.
God loves me so does the friends I made.
Goodness nourishes my heart.
Being good is my best part.
I try to always choose to be good.
There is no person I'd want be but good.

Tuesday, October 8, 2013

The Problem with Politikos

A politiko is good at twisting issues. He maintains his innocence and self-righteousness despite all of his contradictions and evidences pointed at him. All this in the hope of riding out the storm of controversy and coming out clean in the end. He knows that people tend to forget and perhaps forgive easily. A politico never listens and only sets out to do his bidding. He does things out of self-interest masqueraded and sugar-coated as public service. A politiko is different from a public servant and a servant-leader.

Unfortunately for us, we elect politikos, let them hold positions of responsibility and allow them to misguide us. We can't get good things done properly if we allow them to steer us away from our goals and towards what they want. The problem with politikos is that they deliberately try to make us loko-lokos.

Just hitting two issues with one truth.

Thursday, March 21, 2013

Munting Bayanihan sa EDSA Guadalupe

Aktuwal na kuha sa pangyayari.

May isang lola na nadapa sa overpass sa may EDSA Guadalupe kaninang ika-5 ng hapon. Nadulas siya at tumama ang ulo sa semento dahil siksikan ang daanan sa pagitan ng hagdanan ng overpass at isang rampa. Kapansin-pansin na nagdurugo ang ulo ni lola at pumapatak ang dugo sa damit niya. Pilit pinapatigil ng dalawa niyang kasama ang pagdurugo.

Naging makulit at nagpatuloy maglakad si lola at binalewala ang kanyang sitwasyon kahit na pinapahinto na siya ng mga tao. Buti na lang at napadaan ang isang nurse na si Jenalyn Abon mula sa isang ospital sa Las Pinas. Pinatigil niya si lola, tinignan ang sugat, at pinatigil ang pagdurugo nito.

Samantala, nagbigay ng yelo ang service crew ng katapat na fastfood para panlapat sa nagdurugong sugat ni Lola. Ibinigay naman ng isang tindera sa bangketa ang kanyang silya upang maupuan ni lola.

Tinawag ko ang isang pulis, si PO2 Elman mula sa malapit. Pagdating niya at pagkaalam sa pangyayari, niradyo niya agad sa mga kasamahan niya na kailangan ng ambulansya.

Matapos ang wala pang limang minuto, may dumating na iba pang mga pulis, isang ambulansyang may lulan na emergency rescue team, at mga konstable ng MMDA na nag-ayos mapaparadahan ng ambulansya. Isinakay si lola sa ambulansya at dinala na ni lola sa pinakamalapit na pagamutan. Mukhang magiging maayos ang lagay ni lola.

Sabi ni PO2 Elman kay Jenalyn, "Maraming salamat po. Mabuti po kayong tao".

Ang Aral ng Kuwento 

Madalas na negatibo ang mga pananaw natin sa mga taong hindi nating kilala. May mga masasamang loob nga na kahalubilo natin, ngunit lubhang mas marami ang mga mabubuti ang kalooban.

Hindi natin napapansin ang mga taong ito tulad ng mga nars na araw-araw ay tumutulong sa pagpapagaling nga mga may sakit, ang mga pulis at mga konstableng pantrapiko na nagpapanaatili ng kaayusan at kapayapaan sa lansangan, at ang lahat ng handang tumulong sa panahon ng pangangailangan.

Ang pangyayari kanina ay nagpapakita ng bayanihan. Ang mga munting gawang mabubuti ay malaki ang naitulong para sa isang taong nangangailangan. Kung walang tumulong siguro ay maaaring malubha na ngayon ang kalagayan ni lola.

Madalas ay hindi natin napapansin ang mga munting kabutihan at kabayanihan. Masyado tayong natatabunan ng mga bad news at nagiging negatibo na rin ang pananaw natin sa lipunan at kapwa natin. Ngunit kahit gaano ito kaliit, di naman matutumbasan ang pagkadakila nito. Ipinapakita ng kuwentong ito na likas na mabubuti ang mga Pilipino na handang magtulungan at tumulong.

Kung tutuklasin natin at maa-appreciate ang kabutihang loob at kabayanihan ng kapwa natin, siguradong magiging mabuti ang pagtingin natin sa ating bansa at kapwa. Kung magbabayanihan tayong lahat, siguradong giginhawa ang bayan natin. 

Nagpapasalamat ako at isinilang at nagkamulat ako sa bayan ng mga bayani.